-- Advertisements --

Pina-subpoena na ng House of Representatives si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy kung saan inatasan ito na magpakita sa Committee on Legislative Franchises para mag testify.

Ang pagdinig ay nakatakda sa March 12,2024 bandang ala-1:00 ng hapon.

Kapag hindi sumipot sa pagdinig si Quiboloy agad itong ipa-contempt.

Ang subpoena ay nilagdaan ni Speaker Martine Romualdez, Rep. Gus Tambunting- Chairperson ng Committee on Legislative Franchises at House Secretay General Reginald Velasco.

Ang pagdinig ng Komite ay bunsod sa inihaing House Resolution ni Rep. JayJay Suarez na nananawagan ng imbestigasyon in aid of legislation dahil sa paglabag ng Swara Sug Media Corporation sa kanilang franchise sa ilalim ng Republic Act No. 11422 at House Bill No. 9710 na inihain ni Representative Ramon Rodrigo Gutierrez na tanggalin ng prangkisa ang SMNI sa ilalim ng Republic Act No. 11422.

Matatandaan na kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang hindi pagpunta ni Quiboloy sa pagdinig kaugnay sa isyu ng prangkisa at ang isyung pagpapakalat ng pekeng balita.