-- Advertisements --
Aabot na sa 30 ang bilang ng deputy speakers ni House Speaker Lord Allan Velasco matapos na mahalal sa posisyon si Cavite Rep. Strike Revilla.
Ang pagkakahalal kay Revilla bilang deputy speaker ng Kamara ay nangyari isang linggo matapos na mailuklok din sa puwesto ang siyam na iba pang mga kongresista.
Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, ang desisyon na maghalal ng maraming deputy speakers ay paraan para matiyak na maayos na nakakatawan sa posisyon ang lahat ng rehiyon sa bansa.
Si Revilla ay dating chairman ng House Committee on Housing and Urban Development.
Matapos na maupo bilang bagong deputy speaker, inokupa ni Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang komiteng dating pinamumunuan ni Revilla.










