-- Advertisements --

Inaasahang tuluyang maisabatas ang panukalang nagsusulong ng transparency sa deliberasyon ng mga mambabatas para sa taunang pambansang pondo.

Kamakailan lang ay naaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 7407, na ayon kay House Committee on People’s Participation ay mahalaga para gawing transparent o participatory ang pagtatalakay sa proposed national budget taon-taon.

Dito ay bibigyan kasi nang pagkakataon talaga na makibahagi ang mga grassroot organization sa deliberasyon sa Kongreso.

Kaya naman kapag mangyari ito ay magkakaroon ng boses ang publiko sa kung paano dapat gastusin ang pondong inaaprubahan ng Kongreso, at matitiyak din na tutugon ito sa pangangailangan ng taumbayan.

Nakasaad sa panukala na makakatanggap ng notices ng hearing at budget documents ang mga accredited civil society organizations na lalahok sa budget preparation.

Bukod dito, bibigyan din sila ng pagkakataon na makapagsumite ng kanilang sariling mga proposals, tatayo bilang resource persons sa budget deliberations at makakalahok din sa pulong ng bicameral conference committee.