-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binaha ang mga mababang lugar sa Barangay Limulan Kalamansig Sultan Kudarat .

Dulot ito ng malakas na buhos ng ulan at umapaw sa kalsada ang baha.

May ilang kabahayan rin ang lubog sa tubig at mga pananim na sinalanta ng baha.

Hirap din na dumaan sa kalsada ang mga maliliit na sasakyan dahil sa baha.

May ilang mga residente na ang lumikas sa pagragasa ng baha at posibling pagguha ng lupa.

Sa ngayon ay todo-bantay ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Kalamansig) sa mga residente na posibling maipit sa baha.