CAUAYAN CITY – Sumadsad sa isang farm ang isang pick-up matapos na mabangga ang kalabaw sa national higway na nasasakupan ng barangay San Manuel, Isabela.

Ang nakabanggang sasakyan ay ang itim na Toyota pick-up na minamaneho ni Ferdinand Ian Cajas, 34 anyos,binata at residente ng Buyun, Santa Teresita Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Lt. Resty Derupe, Officer In-Charge ng San Manuel Police Station sinabi niya na binabagtas ng naturang pick-up ang nasabing lansangan patungong silangan ng makarating sa lugar ng insidente ay isang kalabaw umano ang biglang tumawid sa nasabing daan sanhi para maaksidente si Cajas.

Nawalan umano ng control ang pick-up na sanhi para sumadsad sa bukid na nasa gilid ng lansangan.

Sa lakas umano ng pagkakabangga ay namatay ang naturang kalabaw habang nag-iwan naman ito ng malaking pinsala sa sasakyan.

Hindi naman nasaktan ang tsuper ng pick-up na pauwi na sana sa lalawigan ng Cagayan.

Muli namang nagpaalalanaman ang San Manuel Police Station sa mga may-ari ng hayup na siguruhing nakatali ang kanilang mga alaga hayup upang hindi makapwerwisyo o maka aksidente.