-- Advertisements --

Handang ibigay lahat ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas ang kanilang makakaya para talunin ang China.

Makakaharap kasi ng Gilas Pilipinas ang China bilang huling laban nila sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Sinabi ni Kai Sotto na gagawin na nila ang lahat ng makakaya para sa nasabing huling laban nito.

Sa pagkatalo ng Gilas kontra sa South Sudan kasi ay nagtapos si Sotto ng eight points, limang rebounds at tatlong blocks.

Gaganapin ang laban ng Gilas Pilipinas sa China sa Setyembre 2 sa Smart Araneta.