-- Advertisements --
Nasa bansa na si Kai Sotto para magiing bahagi ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian qualifiers.
Dumating ang 7-foot-3 player nitong Huwebes ng gabi mula sa Sydney, Australia.
Sinalubong siya ng mga opisyal ng Samahang Basketball ng Pilipinas.
Sasabak ito sa ensayo ng Gilas Pilipinas sa Sabado ng hapon na gaganapin sa Meralco Gym.
Nakatakdang magtungo sa Beirut ang Gilas para sa laban nila sa Lebanon sa darating na Agosto 25.
Habang makakaharap nila ang Saudi Arabia sa Agosto 29 na gaganapin sa MOA Arena.