-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinututulan ng Kabataan Partylist ang mga panawagang baba-an ang minimum age ng criminal responsibility sa mga menor-de-edad na nakakagawa ng karumal-dumal na kremin.

Ito’y matapos ang pamamaril-patay ng dawalang estudyante ng San Jose National High School sa Tacloban City na ikinamatay ng apat na mga estudyante at ikinasugat naman ng labinglimang iba pa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Kabataan Partylist Rep Rene Co na hindi ang pagpapakulong, pati na ang marahas na parusa ang makaka-correct sa ganitong uri ng asal o ugali kundi ang edukasyon at rehabilitasyon.

Kahit umano na dapat panagutan ang kanilang ginawa, dapat ipa-intindi sa kanila ang kanilang mali, ngunit hindi dapat silang i-expose sa mas marahas pang paligid gaya ng kulungan dahil tiyak na mas magiging masahol pa sila sa kala-unan.