-- Advertisements --
Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang kababaihan sa harap ng Ministry of Education sa Afghanistan.
Nananawagan ang mga ito sa muling pagbubukas ng secondary schools para sa mga kababaihan.
Umani kasi ng batikos ang biglang pagbawi ng Taliban sa muling pagbubukas ng mga paaralan para sa mga kababaihan.
Sinabi ng mga ito na karapatan nila ang magkaroon ng sapat na edukasyon.
Mula kasi ng pamunuan ng Taliban ang Afghanistan noong Agosto ay maraming mga paaralan ang kanilang isinara.
May ilang mga indibidwal din ang kanilang inaresto dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta.










