Nadismaya ang mga kaanak ng biktima ng mass shooting sa Marjory Stoneman Douglas High School noong 2018 matapos na hindi pinatawan ng korte ng parusang kamatayan ang suspek.
Inirekomenda kasi ng mga hukom ang parusang life sentence sa suspek na si Nikolas Cruz na siyang nasa likod ng Parkland school shooting.
Paglilinaw naman ni Broward Circuit Judge Elizabeth Scherer na pormal nitong ilalabas ang hatol sa Nobyembre 1 subalit sa ilalim ng batas ng Florida ay hindi maaring mag-iba ang desisyon ng judge sa rekomendasyon ng mga hurado.
Giit ng mga kaanak ng biktima na kulang ang ginawang parusa sa nasabing suspek.
Sa 12 hurado ay tatlo ang bumoto ng paghatol ng parusang kamatayan.
Magugunitang pinasok ng suspek ang nasabing paaralan at pinagbabaril ang mga biktima kung saan 17 sa mga biktima ay pawang mga mag-aaral.