Inanunsiyo ng Korean girl group na Momoland na nabuwag na sila o disband na.
Sa kaniyang social media ay naglabas ng sulat kamay ang natitirang anim na miyembro ng grupo.
Pinasalamatan nila ang mga “Merries” o mga loyal fans nila na umantabay sa kanila mula pa noong 2016.
Ayon kina Nancy, Ahin, Jane, JooE, Hyebin, at Nayun na labis sila nalungkot sa nasabing desisyon.
Humingi sila ng paumanhin dahil natagalan bago ipaalam sa kanilang fans ang nasabing desisyon.
Hiniling din nila sa mga fans na suportahan ang mga miyembro nila nagpasya na mag-solo na lamang.
Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang isang buwan ng ibunyag ng kanilang agency na hindi na nila nirenew ang kanilang mga kontrata.
Nagsimula ang grupo noong 2016 kung saan pinasikat nila ang mga kanta gaya ng “Bboom Bboom” at “BAAM”.
Binubuo ito ng siyam na miyembro kung saan unang umalis sa grupo sina Yeonwoo at Teaha noong 2019 at sumunod si Daisy noong 2020.