-- Advertisements --
Sumali si PBA import Justin Brownlee sa unang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa kanilang November window ng FIBA World Cup Asian qualiifers sa buwan ng Nobyembre.
Ang nasabing pagdalo nito ilang linggo matapos na kinumpirma ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na inaayos na nito ang kaniyang mga dokumento para maging naturalized player.
Ilan din na manlalaro na naimbitahan sa ensayo ay si Angelo Kouame.
Kasama rin na sumabak sa ensayo ng Gilas ay sina Roger Pogoy, Calvin Oftana, Chris Newsome, Jamie Malonzo, Arvin Tolentino, Will Navarro , Francis Lopez at CJ Perez.
Makakaharap kasi ng Gilas ang Jordan sa November 10 habang ang Saudi Arabia naman sa November 13 na lahat ng mga ito ay gaganapin sa labas ng bansa.