-- Advertisements --
Muling kinansela ni Justin Bieber ang kaniyang world tour concert dahil sa isyu ng kalusugan.
Ito na na ng pangalawang beses na kinansela ng Canadian singer ang kaniyang concert.
Noong Hunyo ay kinansela na rin ng 28-anyos na singer ang kaniyang North American tour matapos na dapuan ng Ramsay Hunt Syndrome na nagbunsod sa pamamaga ng kalahati ng mukha niya.
Matapos nag ilang linggo ay bumalik ito sa mga concerts shows sa Europa.
Paliwanag nito na ang kaniyang pagbabalik ay pre-mature lamang kung saan matapos aniya ang show nito sa Brazil ay nakaramdam siya ng labis na pagkahapo.
Dahil dito ay napagtanto niya na dapat ay bigyang halaga muna ang kaniyang kalusugan.