-- Advertisements --
Ipinaliwanag ni BTS member Jungkook ang dahilan ng pagbura ng kaniyang Instagram account.
Paliwanag niya na personal niya mismong desisyon ang pag-deactivate ng kaniyang account.
Una rito ay ikinagulat ng kaniyang mahigit 51 milyon IG followers kung bakit ito biglang nag-deactivate.
Dagdag pa nito na hindi na-hack ang kaniyang account at sa halip ay hindi lamang niya tipo ang gumamit ng nasabing social media platform.
Noong Disyembre 2021 ng buksan ni Jungkook ang nasabing IG account na mayroong mahigit 51 milyon followers.
Siya ang pangalawang Korean celebrity na nakaabot ng 50 milyon followers kasunod sa ka-miyembro nito na si V.