Muling pinatunayan ni June Mar Fajardo ang kanyang paghahari sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos tanghaling Most Valuable Player (MVP) sa ika-siyam na pagkakataon —isang rekord sa kasaysayan ng liga.
Ginawaran si Fajardo ng MVP trophy sa Manila nitong Linggo, kasabay ng pagbubukas ng makasaysayang ika-50 season ng PBA.
Sa nakaraang 49th season, nasungkit ni Fajardo ang Best Player of the Conference sa parehong Governors’ Cup at Philippine Cup, na lalong nagpapatibay sa kanyang pangalan bilang isa sa mga pinakadakilang manlalaro sa PBA.
Maaalalang unang nasungkit ni Fajardo ang MVP mula 2014 hanggang 2019 sa anim na sunod na taon, at muli noong 2023 hanggang kasalukuyan.
Iba pang pinarangalan sa 2025 PBA Leo Awards:
First Mythical Team
- June Mar Fajardo
- Arvin Tolentino
- Calvin Oftana
- CJ Perez
- Robert Bolick
Second Mythical Team
- Japeth Aguilar
- Zavier Lucero
- Scottie Thompson
- RR Pogoy
- Justin Arana