-- Advertisements --

Tuluyan nang nagpasaklolo sa NBI (National Bureau of Investigation) si Julia Barretto.

Ito ay para pormal na sampahan ng cybercrime complaint ang dating brodkaster na si Jay Sonza dahil sa ipinakalat na pekeng balita sa Facebook page nito kung saan buntis daw ang 23-year-old actress.

Kasama ni Julia Barretto na nagtungo sa Cybercrime Division ng NBI kaninang umaga ang kanyang inang si Marjorie.

Ang pagdemanda ng young actress ay taliwas sa naging pahayag ng kanyang amang si Dennis Padilla na balak na lamang nitong kausapin ng “lalaki sa lalaki” ang 65-year-old former broadcaster dahil itinuturing pa rin bilang kaibigan.

Nabatid na mismong si Gerald Anderson na rin ang nagtanggi sa malisosyong tsismis.

Kahapon lang nang si Liza Soberano naman ang nagtungo sa Quezon City Hall of Justice upang idemanda ang babaeng empleyado ng inireklamo niyang internet service provider dahil naman sa birong pagbabanta ng rape.