-- Advertisements --

Nasungkit ni Naohisa Takato ang unang gintong medalya ng Japan sa Tokyo Olympics matapos na manalo sa men’s 60 kg judo.

Iginupo ni Takato ang pambato ng Taiwan na si Yang Yung-wei.

Ang panalong ito ni Takato ay nagpapakita lamang ng lakas ng Japan sa isang sport na mismong sa kanila nagsimula.

Sina Yeldos Smetov ng Kazakhstan at Luka Mkheidze ng France naman ang nakakuha ng bronze medal.

Samantala, umabot naman sa final round ng 49 kg class si Japanese female judoka Funa Tonaki pero natalo sa manok ng Kosovo na si Distria Krasniqui.