-- Advertisements --

Sinimulan na ngayong araw ang dalawang araw na National Summit on Crime Prevention at nagsama-sama ang hudikatura, PNP at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Layon ng summit na ma-assess ang kasalukuyang “crime situation” sa buong Pilipinaa.

Pag-uusapan din sa summit ang monitoring sa pagpapatupad ng mga prayoridad at proyekto ng gobyerno upang makabuo ng mga programa na makakatulong sa mga komunidad laban sa samu’t saring krimen.

Sa unang araw ng summit, dumating ang ilang matataas na opisyal ng National Police Commission (NAPOLCON), Department of Justice (DoJ), Sandiganbayan at Korte Suprema.

Inaasahan naman na sa pagpapatuloy ng summit ay darating si PNP Chief Oscar Albayalde para magbigay ng kanyang pahayag kaugnay sa crime prevention at pag-counter sa insurgency.

Bukas ay present si Justice Sec. Menardo Guevarra, Interior Sec. Eduardo Año at Chief Justice Lucas Bersamin.

Bahagi naman ng summit ang workshops kaugnay sa mga nararapat na hakbang sa harap ng mga pagsubok sa criminal justice system at pagpapatupad ng batas, counter measures at iba pa.

Gayundin ang papel ng mga local government units (LGU) maging ng media sa crime prevention.