-- Advertisements --

JPSCC

Pinagana na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) bilang paghahanda para sa nalalapit na 2022 national and local elections.

Ang nasabing pulong ay pinangunahan ni 2nd Marine Brigade at JTF Tawi-Tawi Commander Col. Romeo Racadio.

Sa nasabing pulong ibinahagi ni Col. Racadio ang isang tanyag na kasabihan mula kay Henry Ford, “Coming together is a beginning, staying together is progress and working together is success”.


Ni-reactivate ang JPSCC, nuong November 30, 2021 na dinaluhan ng mga tauhan ng AFP, PNP at ng kanilang bagong miyembro ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Col. Racadio, ang reactivation ng JPSCC ay para mapaigting at mapalakas pa ang security preparations ng security sector para sa nalalapit na halalan.

Layon din sa nasabing pulong na bumuo ng mga mekanismo para mapa improved pa ang kanilang inter-operability sa mga gagawing internal and external security operations sa probinsiya.

Ang JPSCC ay co-chaired ng tatlong miyembro ng agencies na sina Col. Romeo Racadio, 2nd Marine Brigade Commander; PCol. Ronaldo Fulo, Provincial Director , Tawi-Tawi PPO at PCG Tawi-Tawi Command CDR Carlos Dela Rosa JR.

JPSCC4

Isang comprehensive briefing ang inihanda naman ni LtCol. Rey Marlon Bercasio, Deputy Provincial Director for Administration of Tawi-Tawi PPO kung saan tinalakay niito ang politial situation sa probinsiya at ang posibleng deployment ng kanilang personnel sa halalan.

Binigyang-diin naman ni Racadio ang pagbuo ng “holistic approach” na tutugon sa security and safety concerns sa probinsiya ng Tawi-Tawi.

” A resolution is being crafted in order to formalizethe organizational structure of JPSCC Tawi-Tawi,” pahayag ni Col. Racadio.

Ayon naman kay Col. Fulo ng PNP, mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na kooperasyon at koordinasyon mula sa tatlong ahensiya ng pamahalaan ang AFP, PNP at PCG sa pakikipag tulungan ng ibat ibang stakeholders.


” If all these agencies will come and work together, success will be definitely achieved,” wika ni Col. Fulo.