-- Advertisements --
WPS

Umarangkada na ang taunang bilateral navy-to-navy exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na tinatawawag na Exercise SAMASAMA 2023.

Ang naturang pagsasanay ay kabibilangan ng mga on-shore and at-sea training and exercises na inaasahang mas magpapaigting pa sa interoperability at kooperasyon sa pagitan ng dalawang naval forces partikular na sa mga larangan ng maritime security operations, maritime situational awareness, logistics, at command and control.

Ito ay nilahukan ng nasa 700 sailors at marines mula sa iba’t-ibang unit ng Philippine Navy, habang kabilang naman sa mga asset ng Pilipinas na gagamitin ay ang BRP Antonio Luna, AW109 naval helicopter, C-90 aircraft, at ang Naval Special Operations Unit.

Samantala, bukod sa Estados Unidos ay makakasama rin ng ating bansa ang iba pang hukbong pandagat mula sa mga kaalyado nating bansa kabilang na ang Japan, United Kingdom, Canada, France, at Australia sa pagsasagawa ng subject matter expert exchanges, at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa humanitarian assistance and disaster response.

Habang ang Royal New Zealand Navy at Indonesian Navy naman ay kapwa magsisilbing observers.

Ang Exercise SAMASAMA 2023 ay nagsisilbing vital platforms para sa mga kalahok na hukbong pandagat para sa pagpapabuti pa hindi lamang ng kani-kanilang humanitarian and disaster response capabilities kundi maging sa regional cooperation at response at gayundin sa mutual challenges at non-traditional concerns na inaasahan namang magtatagal hanggang Oktubre 13, 2023.