-- Advertisements --
Naghain ng divorce ang singer na si Joe Jonas at asawang si Sophie Turner.
Inihain nila ang nasabing paghihiwalay sa Miami Dade County.
Nakasaad sa rason ng kanilang paghihiwalay na may lamat na ang kanilang pagsasama.
Ang dalawa ay may anak na isinilang noong 2020 at 2022 kung saan hiniling nila sa korte ang shared custody.
Nagkakilala ang dalawa noong 2016 at matapos ang isang taon ay naging engaged na sila.
Dalawang beses silang ikinasal kung saan ang una ay noong 2019 sa Las Vegas ng dumalo sila sa Billboard Music Awards at matapos ang ilang buwan ay ikinasal muli sila sa France.
Dinaluhan ito ng ilang mga singers at mga kapwa Hollywood personalities.