-- Advertisements --

Patay matapos barilin ang sikat na Jiu Jitsu champion ng Brazil na si Leandro Lo.

Ayon sa mga kapulisan ng Sao Paulo, naganap ang pamamaril sa 33-anyos na si Lo sa isang night club sa Saude.

Isa umanong off-duty na pulis ang nakabaril sa ulo ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito naagapan pa.

Itinuturing na pinakamagaling na Jiu Jitsu athletes si Lo na nagwagi ng walong beses ng World Championships.

Base sa mga nakakita ng insidente, nilapitan ng suspek ang biktimang si Leandro Lo Pereira do Nascimento sa tunay na buhay at ito ay hinamon hanggang bigla itong barilin sa ulo.