-- Advertisements --
Tinawanan na lamang ni Jinkee Pacquiao ang mga pagkakahalintulad sa kaniya ng mga fans sa bagong Miss Universe na si Fatima Bosch ng Mexico.
Sa kaniyang social media account ay nagrepost ito ng mga comments ng fans na bumabati sa kaniya sa pagkapanalo.
Hindi rin ito mapigilan ang pagtawa ng may ilang netizens ang nagsabi na lumipad pa ito kasam ang kambal na kapatid na si Janet sa Thailand para suportahan ang tinaguriang “long-lost sister”.
Gaya rin ng karamihang Pinoy ay nagbigay din ng suporta si Jinkee sa pambato ng bansa na si Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo.
Magugunitang nagtapos lamang sa pagiging third runner-up ang pambato ng bansa habang first runner-up ang pambato ng Venezuela.
















