-- Advertisements --

Umapela sa Sandiganbayan si dating Sen. Jinggoy Estrada matapos ibasura ng korte ang mosyon nitong humahamon sa ebidensyang inihain ng prosekusyon kaugnay ng kanyang kasong plunder dahil sa pork barrel scam.

Batay sa panibagong mosyon na inihain ni Estrada sa anti-graft court, ipinunto nito ang salaysay ng whistleblower na si Benhur Luy sa huling pagdalo nito sa hearing.

Sinabi raw kasi ni Luy na hindi nito personal na nakita ang pagtanggap ni Estrada umano’y P200-milyong halaga ng kickback.

Kumbinsido ang dating mambabatas na sapat na basehan ang kanyang argumento para paniwalaan ng korte na mahina ang ebidensya ng prosekusyon.

Ito’y kahit inamin noon ng isa pang witness na si Ruby Tuason na siya mismo ang nag-deliver ng pera kay Estrada.

“Although Ruby Tuason testified that her close ties with the Estrada family goes back to the times when accused Estrada’s father was still the mayor of San Juan, Metro Manila, even served under President [Joseph] Estrada’s administration as Social Secretary, and that she personally delivered money on several occasions to accused Estrada, such relationship or association could not sufficiently establish any conspiracy between Mrs.Napoles and accused Estrada.”

Sa kabila nito iginiit ng akusado na lamang ang bilang ng mga witness na walang ideya sa umano’y pagkakasangkot nito sa kontrobersya.