GENERAL SANTOS CITY – Pursigido si Jimuel Pacquiao na ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama sa pagboboksing.
Ayon kay Mommy Dionesia Pacquiao na nakausap nito ang kanyang apo na si Jimuel at sinabi na gustong sundin ang yapak ng kanyang ama na si Manny para ipagpatuloy ang pagboksing.
Dagdag din ni Dionesia na sa ngayon wala pang opisyal na pahayag si Manny kung papayagan nito ang anak gayong maraming beses na ring lumabas ang video ni Jemuel na kasama ang ama sa pag jogging at sparring.
Una nang iminungkahi ng PacMom kay Jinkee at Manny na huwag payagan ang apo na pasukin ang pagboksing datapuwat pilit tinanggap ang kagustuhan ng anak kaya obligado ang mga ito na suportahan ang pagsuot ng boxing gloves.
Matatandaan naglalaro na sa amateur boxing si Jimuel habang nagpatuloy ang training sa kagustuhan nitong maging isang professional boxer kagaya ng ama na naging eight division world champion.