Jhong GF
@jhonghilario
Thank you Lord.! 🙏❤😍 #SamplePrince or #SamplePrincess #Soon

Bakas ang excitement ni Jhong Hilario kasabay ng anunsyo nito na magkaka-baby na sila ng longtime girlfriend.

Nag-post ito ng kanilang larawan habang nasa beach kung saan hawak niya ng 44-year-old celebrity politician ang baby bump ng kasintahan.

Maging ang non-showbiz girlfriend nito na si Maia Leviste Azores ay nagpahayag din ng kasiyahan sa tinatawag na IG story para sa nakatakdang pagsilang sa susunod na taon.

Nitong Hulyo lang nang magdiwang sina Maia at Jhong o Virgilio Viernes Hilario Jr., sa tunay na buhay, ng kanilang ninth anniversary.

Si Hilario ay 44-anyos na, habang 15 years na mas bata sa kanya ang girlfriend.