-- Advertisements --

Panalo via submission ang Pinoy MMA fighter na si Jhanlo Mark Sangiao laban sa Mongolian striker na si Shinechagtga Zoltsetseg.

Nagawa ni Sangiao na tapusin ang laban sa kalagitnaan ng round 3 sa pamamagitan ng isang rear naked choke. Ilang segundo sa naturang posisyon ay tuluyang nag-tap out ang nakalabang Mongolian.

Sa umpisa pa lamang ay naging aggresibo na ang Pinoy fighter at nagpakawala ng ilang kombinasyon, kasama ang isang takedown gamit ang armbas.

Nagawa rin ni Zoltsetseg na bumawi sa ikalawang round ngunit sa huling bahagi ng laban at muli itong bumagsak sa pamamagitan ng magandang strikig power ni Sangiao. Hindi na hinayaan pa ng Pinoy pride na makawala ang kalaban sa ikatlong round, gamit ang epektibong takedown sa round 3.

Ang 23-anyos na Pinoy fighter ay kagagaling lamang sa isang pagkatalo laban sa Mongolian na si Enkh-Ordil Baatarkhuu.

Sa kaniyang magandang performance ay inaasahang mapapatapat siya sa iba pang magagaling na fighter ng One Championship sa mga susunod na laban. / Bombo Genesis Racho