-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $203,300 sa auction ang jersey ni Golden State Warriors star Stephen Curry.

Ang nasabing jersey ay isinuot ni Curry sa Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng Boston Celtics noong nakaraang buwan.

Sa nasabing laro ay natalo ang Warriors sa Celtics noong Hunyo 2.

Nakapagtala dito si Curry ng anim na 3-points sa unang quarter pa lamang.

Magugunitang tinanghal na champion ang Warriors ng talunin ang Celtics sa 4-2 best of seven series at nakuha ni Curry ang Finals Most Valuable Player.