-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng actress na si Jennifer Hudson ang kagandahang loob ng ginawa ng kapatid nito.

https://www.instagram.com/p/CD4NLH8pSkC/

Aabot kasi sa 2,000 backpacks na may laman na mga school supplies ang ipinamigay ng kapatid nitong si Julia para sa mga mag-aaral na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Ang nasabing donasyon ay bahagi ng taunang “Hatch Day” na isinasagawa sa Chicago.

Ang nasabing hakbang ay para sa alaala ng pumanaw nitong anak na si Julian D. King.