-- Advertisements --
Inilipat ng Utah Jazz ang kanilang 3-time NBA All-Star guard Donovan Mitchell sa Cleveland Cavaliers.
Ang nasabing hakbang ay naganap dalawang buwan matapos na i-trade ng Jazz ang kanilang superstar na si Rudy Gobert sa Minnesota Timberwolves.
Sa nasabing trade kay Mitchell ay ipapalit ng Cavs sina Collin Sexton, Finnish 7-foot forwrd Lauri Markkanen at 22-anyos na US guard Ochai Agbaji.
Ang 23-anyos na si Sexton ay pipirma ng four-year trade deal na nagkakakhalaga ng $72 milyon sa Jazz.
Si Mitchell ay mayroong average na 25.9 points at 4.2 rebounds.
Noong Nobyembre 2020 ay pumirma si Mitchell ng five-year contract na nagkakahalaga ng $163-M.