-- Advertisements --

ORLANDO, Florida – Tumipa ng 32 points si Donovan Mitchel at nagdagdag ng 15 off the bench si Georges Niang para tulungan ang Utah Jazz na igupo ang Orlando Magic, 109-96 sa kanilang laro nitong araw.

Kumamada ng 14 points si Bojan Bogdanovic, nagtapos na may 12 si Emmanuel Mudiay habang may 11 naman si Joe Ingles para sa Jazz, na mayroon nang limang magkakasunod na panalo.

Pinangunahan naman ni Terrence Ross ang Orlando bitbit ang kanyang natipon na 24 points.

Si Nikola Vucevic ay may 22 points at 11 rebounds, pero hirap ang Magic na mahabol ang 3-point shooting performance ng Utah sa fourth quarter.

Ang score pagsapit ng final period ay 76-75 pabor sa Utah.

Nagawa pang palakihin ng Jazz ang kanilang lamang na maipasok ang walo sa 13 behind the arc shots na kanilang ginawa, kabilang na ang unang limang field goals sa quarter.