-- Advertisements --

Nagbuhos si Jason Tatum ng 46 big points upang bitbitin ang Boston Celtics sa kanilang panalo sa Game 6, 108-95, sa nagpapatuloy na semifinals sa Eastern Conference.

Dahil dito, tabla na ngayon sa serye ang Celtics at Bucks para umabot sa Game 7 ang laro na magaganap naman sa Lunes bilang winner take-all.

Ang mananalo sa naturang do-or-die game ay haharapin naman ang nag-aantay na top seeded na Miami Heat para sa conference finals.

Sa naging laro kanina, tinangka pa ng Bucks na habulin ang kalamangan ng Boston sa fourth quarter pero hindi nagpabaya si Tatum upang mapigilan ang diskarte ng dating MVP na si Giannis Antetokounmpo.

Nasayang tuloy ang ginawa ni Antetokounmpo na 44 points, 20 rebounds at six assists.

Ang kanyang nakakabilib na 20 rebounds ay naitala bilang isa sa kanyang career high.