Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Japanese national na naaresto ng mga operatiba ng Immigration bureau sa Iloilo.
Wanted daw ang banyaga sa mga otoridad sa Tokyo dahil sa pagkakasangkot sa robbery, extortion at telecommunications fraud.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang suspek ay kinilalang si Yohhei Yano 43-anyos na naaresto sa Guimbal Port, Iloilo.
Ayon kay Tansingco, si Yano ay naaresto kasunod na rin ng kahilingan ng mga otoridad ng Janap dito sa Manila.
Dahil dito ay agad naman daw na nakipag-ugnayan ang mga otoridad sa Immigration bureau para mahanap ang nagtatagong suspek.
Sinabi naman ni Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (FSU) chief Rendel Ryan Sy, ang arrest warrant laban kay Yano ay inisyu mismo ng summary court sa Yakkaichi, Japan noong Aug. 4, 2022.
Iniimbestigahan din umano ang naturang banyaga dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na aktibidad ng isang Japanese syndicate na nag-o-operate ng telecom fraud noong 2019.
Ang naturang banyaga ay undocumented alien din dahil ni-revoke na ng gobyerno ng Japan ang kanyang pasaporte.
Kasalukuyang nakaditine ang suspek sa Bureau of Immigratin Warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hininintay ang kanyang deportation proceedings.