-- Advertisements --

Kumuha ng dalawang Filipino boxer para maging kaniyang sparring mate si Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue.

Ito ay bilang paghahanda sa unification fight niya kay Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7, 2022 na gaganapin sa Japan.

Ang mga Pinoy boxers na kinuha ni Inoue ay sina Kevin Jake “KJ” Cataraja ng Cebu at ang bagong Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) super bantamweight champion Pete “Thunder” Apolinar.

Ang rematch kasi ni Inoue kay Donaire ay maituturing na pinakamalaking laban sa kaniyang career kaya kumuha ito ng mga magagaling boksingero bilang sparring mate.

Nakatay rito ang IBF at WBA Super World bantamweight title na kasalukuyang hawak ni Inoue habang itinaya ni Donaire ang kaniyang WBC world bantamweight title.