Naniniwala naman si House Speaker Martin Romualdez na mas maraming investment ang makukuha ng Pangulong Marcos sa kaniyang biyahe ngayon sa Japan na makakatulong sa paglago sa ekonomiya ng bansa at magpapalakas sa trade and economic relations ng dalawang bansa.
Sinabi ni Speaker na talagang nagtatrabaho ang Pangulo para ipromote ang Pilipinas sa mga Japanese investors at businesses.
Dagdag pa ni Speaker na sa ikalawang araw pa lamang ng Pangulo sa kaniyang biyahe ay nakakuha na ito ng bilyon bilyong halaga ng investment pledges.
Maging ang tourism stakeholders sa Japan ay nagpahayag din ng interes lalo at nakatutok ang mga initiatives ng Pilipinas na maghikayat ng mga Japanese tourist na bumisita sa bansa.
Batay sa naging obserbasyon ni Romualdez na interesado ang mga Japanese businessmen at executives na mamuhunan sa Pilipinas.
Ayon kay Speaker, nagpahayag ng interest ang Japanese businessmen sa panukalang Maharlika Investment Fund.
Kabilang sa tinatrabaho ngayon ng Kamara ang ilang panukalang batas kabilang ang panukalang amyendahan ang 1987 constitution partikular ang pagtanggal sa restrictive economic provisions para makakuha ang bansa ng foreign direct investments.
Sa kabilang dako, muling pinagtibay ni DTI Secretary ALfredo Pascual ang commitment ng Marcos Jr administration na gawing export-oriented and industrial-driven economy ang Pilipinas.