-- Advertisements --
Nakuha ng Japan ang kampeonato ng AVC Cup for Women 2022.
Tinalo nila ang China sa score na 25-23, 25-21, 19-25, 25-16 sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa Pasig City.
Tinanghal bilang Most Valuable Player si Mika Shibata.
Nanguna sa panalo ng Japan si Mizuki Tanaka na nagtala ng 19 points habang mayroong 15 points si Miwako Osanai.
Dahil sa panalo ay winakasan nila ang tatlong sunod na kampeonato ng China.
Nagwagi naman ng bronze medal ang Thailand ng talunin nila ang Vietnam.