-- Advertisements --

Nagpahayag ng interes ang Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na mamuhunan sa kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund matapos aprubahan ng Kamara at Senado na ngayon ay naghihintay na lamang ng pirma ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. para maging ganap na itong batas.

Nais din ng JBIC na makipag partnerships sa ilang mga kumpanya sa bansa para sa energy development.

Nagsagawa ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Japan Bank International Cooperation (JBIC ) Chairman Tadashi Maeda.

Unang nagkipagpulong ang JBIC sa opisyal na pagbisita ni PBBM sa Japan noong Pebrero.

Ang JBIC ay isang pinansyal na institusyon na pagmamay-ari ng Japanese government. Sakop ang iba’t ibang larangan, nakatuon ito sa pagpapaunlad ng Japan, pandaigdigang ekonomiya, at lipunan.

Sinabi ni Maeda na interesado silang tugunan ang papel ng liquified natural gas (LNG) bilang tradisyunal na pinagmumulan ng kuryente sa Pilipinas at ang pangangailangang magdala ng iba pang mapagkukunan ng enerhiya tulad ng hydropower, solar, at hangin.

“We have the potential between Japan and the Philippines to work together. For example, I already had a meeting with Aboitiz Chairman Sabin and I proposed to him to have an MOU and to Metro Pacific, and also to San Miguel,” pahayag ni Maeda.

Sinabi ni Maeda na may pangangailangan na tukuyin ang partikular na proyekto at matukoy kung paano lumipat sa mas mahusay na enerhiya, pati na rin ang pagbuo ng bagong teknolohiya tulad ng hydrogen.

Sa panig naman ng chief executive kaugnay sa Maharlika Investment Fund, kaniyang sinabi na ang mga ganitong investments ang kailangan ng bansa.

“It’s so that we, the Philippines, can participate in what would be, what is regarded, of course, as an investment for us. It is a necessary infrastructure that we are investing in. So that is the plan for the sovereign fund. We now have to go and look at the design or the structuring of the fund. But it is basically seen as our government participation in projects that, mostly, it will really be in the Philippines,” pahayag ni Pang. Marcos.