-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang binatang janitor matapos makuryente sa Población South, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktima na si Jordan Chris Dumagat, 19- anyos, at residente ng Quezon, Solano sa naturang probinsya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Rubilita Aglipay, ang OIC Chief of Police ng Solano Police Station, sinabi nito na umakyat sa bubong ng pinagtatrabahuan na establisiyimento si Dumagat kasama ang maintenace crew para maglinis.

Ngunit dahil sa malakas ang hangin noong mga panahon na iyon, aksidenteng nahawakan ni Dumagat ang live wire.

May pulso pa ang biktima nang datnan ng mgang Bureau of Fire Protection (BFP) Solano.

Kalunos-lunos ang kanyang sinapit kung saan ang ilang bahagi ng kanyang katawan ay tuluyang nangitim matapos makuryente.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian siya ng buhay.