-- Advertisements --
Patuloy ang pananatili sa pagamutan ng Hollywood actor na si Jamie Foxx.
Ayon sa ilang mga malalapit na kaibigan na mahigit tatlong linggo ng nasa pagamutan ang actor matapos na dumanas ng medical emergency.
Hindi naman nila binanggit kung ano ang dinaranas nito ng sakit.
Magugunitang noong Abril 12 ng ianunsiyo ng anak nitong si Corinne na itinakbo ang ama sa pagamutan matapos dumanas ng medical complications.
Dahil dito ay maraming mga proyekto nito ang nabinbin at hindi pa natatapos.