-- Advertisements --

Inalok ni boxing promoter Jake Paul sina Will Smith at Chris Rock na maglaban sa boxing ring.

Kasunod ito sa kontrobersyal na pananampal ni Smith kay Rock sa Oscar’s Award nitong Lunes.

Sinabi ni Paul na mayroon siyang inilaan na $15 milyon sa bawat isa para matuloy lamang ang laban.

Dagdag pa nito na maaring gawin nila ito sa buwan ng Agosto bilang undercard sa laban niya.

Hindi naman binanggit ni Paul kung sino ang maaring makaharap nito sa Agosto.

Magugunitang humingi na ng paumanhin si Smith sa Academy Awards dahil sa ginawa nitong pananampal sa kapwa nitong actor.

Nagbunsod ang pananampal nito ng magbiro si Rock sa asawa ni Smith na may sakit.