-- Advertisements --
Kinumpirma ng aktor na si Jake Cuenca na ‘exclusively dating’ sila ng beauty queen na si Rabiya Mateo.
Sinabi ng aktor na pinapasaya siya ng 2020 Miss Universe Philippines at kasalukuyan silang ‘exclusive dating’ ang kanilang estado.
Una na ring inamin ni Rabiya na siya ay nasa masayang lugar sa kasalukuyan.
Huling niligawan ng aktro ang aktres na si Chie Filomeno at sila ay naghiwalay noong Oktubre 2025.
Magugunitang noong Setyembre 2025 ay kinumpirma rin ni Rabiya na ito ay single na matapos ang hiwalayan ng dating nobyo na si Jeric Gonzales.
















