-- Advertisements --

Ipinakita na sa publiko ang bagong silang na sanggol ng TV host-actress na si Iya Villania-Arellano.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Drew Arellano ang larawan nilang tatlo ng kaniyang misis at bunsong anak.

Isang malusog na “baby girl” ang ikatlong anak ng mag-asawang Drew at Iya.

Pinangalanan nila itong Alana Lauren Arellano.

Matatandaang naging surpresa para sa kanilang pamilya ang kasarian ng third baby, dahil sinadya ng Arellano couple na huwag muna itong alamin sa pamamagitan ng makabagong pasilidad ng ospital, noong nagdadalang tao pa lang si Iya.

Ang mag-asawa ay nabiyayaan na ng dalawang lalaking anak na sina Primo at Leon, bago dumating ngayong araw si baby Alana.