-- Advertisements --
download 1

Kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na binakante na ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang kanyang posisyon.

Ayon kay Bautista, nagsumite ng irrevocable resignation si Pastor noong nakalipas na buwan dahil sa health reasons.

Magiging epektibo aniya ang resignation ng DOTr official sa Abril 21.

Matatandaan, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pastor noong Setyembre ng nakalipas na taon.

Bago ang kanyang appointment sa ilalim ng Marcos administration, nanungkulan din ito bilang assistant secretary sa parehong sektor sa DOTr sa ilalim ng dating Duterte administration.