-- Advertisements --
Inirekomenda ni ACT-CIS Party-list Rep. Niña Taduran na ipadala sa West Philippine Sea ang mga big time drug lords na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison.
Iginiit ni Taduran na hindi na kailangan pang mangailangan ng karagdagang bantay sakaling itapon sa isang isla ang mga bilanggong ito.
Naroon naman kasi aniya ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na titiyak na hindi makakatakas ang mga drug convicts na ito.
Bukod dito, ang mga ito rin ang titiyak na walang makakapasok sa isla na siyang magsisilbing penal colony para sa mga big time drug lords na ito.
Dapat din aniyang matiyak na walang signal ng cellphone at walang bantay na maaaring suhulan sa islang pagtatayuan ng bagong pasilidad na ito.