-- Advertisements --

Pumanaw na ang sikat ng singer at songwriter sa Italy na si Salvatore “Toto” Cutugno sa edad 80.

Kinumpirma ng kaniyang manager na si Danilo Mancuso ang nasabing pagkamatay ni singer sa San Raffaele Hospital dahil sa matagal ng sakit nito.

Nakilala ang singer sa hit song nito noong 1983 na “L’Italiano’.

Nanguna naman si Italian Prime Minister Giorgia Meloni sa pagbibigay pugay kay Cutugno na tinawag niyang tunay na Italyano.

Ang Tuscan-born na si Cutugno ay nagtaguyod ng disco band na Albatros noong 1974 at nakilala bilang songwriter sa maraming European artists kabilang si Johnny Hallyday at Dalida.