-- Advertisements --

Tila guessing game pa rin sa mga fans ang nag-trending na mga larawan ni Angel Locsin kung saan kapansin-pansin ang labis na biglang pagtaba nito.

Angel Locsin 3

No comment pa rin kasi ang 35-year-old actress, at idinaan lamang sa larawan nila ng ama ang pinakabagong IG post kung saan bakas ang pagkamis niya rito dahil ilang buwan na raw mula nang huli niya itong mayakap.

Binati niya ng “Father’s Day” ang ama, gayundin ang boyfriend at TV/film producer na si Neil Arce, bagay na kinwestyon agad ng ilang followers ni Locsin kung ito ba ay magkaka-baby na.

Gayunman, nabatid na daddy na talaga si Arce at binati pa ito kamakailan kasabay ng 13th birthday ng anak na lalaki.

https://www.instagram.com/p/CBri60SFtwm/

Bago kay Angel, naging kasintahan ni Arce sina Bella Padilla at Maxene Magalona.

Nabatid na ngayong taon sana ikakasal sina Locsin at Arce pero ipagpapaliban dahil sa coronavirus pandemic.