-- Advertisements --

Kumalat online kamakailan ang espekulasyon na buntis umano si Issa Pressman matapos mapansin ng ilang netizens ang tinatawag nilang “baby bump.”

Gayunpaman, agad itong nilinaw ng public relations representative ng aktres na hindi buntis ang girlfriend James Reid.

Ayon sa kanyang PR, wala umanong katotohanan ang mga kumakalat na tsismis at hindi malinaw kung saan ito nagsimula.

Sa halip, ibinahagi ni Issa at James ang kanilang alagang aso na isang Aussie Doodle na pinangalanang Koda, na ngayon ay sentro ng kanilang atensyon.

Sa kabila ng kanilang mga abalang schedule, nananatiling maayos umano ang relasyon ng dalawa at patuloy silang nagbibigay ng oras para sa isa’t isa.

Samantala, abala rin si James sa kanyang paparating na proyekto kasama si Kathryn Bernardo.