Patungo na ang Israeli ground forces sa southern Gaza dahil ang lugar ay ang kanilang focus na sa mga target operations.
Sinabi ng militar na pinupuntirya nito ang mga command center ng Hamas, imbakan ng mga armas at mga puwersa ng hukbong-dagat matapos ang naganap na pitong araw na tigil-putukan.
Matatandaan na ang Israel at ang Hamas ay nagkasundo sa isang tigil putukan at pagpapalaya ng Hamas hostages kapalit ng mga Palestinian prisoners.
Ang unang kasunduan ay apat na araw na tigil putukan ay kalauna’y napalawig ng hanggang pitong araw.
Sa ngayon, ay nagtapos na ang tigil-putukan at nagsimula na naman ang pag-atake at pambobomba ng magkabilang panig.
Kaugnay nito ay sinabi ng mga residente ng Khan Younis sa Gaza na ang katimugang lungsod ay nakaranas ng pinakamabigat na pambobomba mula nang magsimula ang digmaan ng dalawang panig.