CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapa-atras ng Palestinian government ang Israeli Defense Forces (IDF) na pinakalakas pa ang opensiba kontra Hamas militants kung nais ng mga ito na magbalik sa kaayusan ang sitwasyon ng Israel.
Ganito ang tahasan na sinabi sa esklusibong interbyu ng Bombo Radyo kay Ambassador Designate of the State of Palestine to the Philippines Saleh Mohammad patungkol sa kasulukuyang kaguluhan sa nabanggit na bansa.
Sinabi ni Mohammad na dapat magpakita rin ng totoong tapang ang United Nations at ibang international community na sitahin ang Israel na naging matapang lang dahil sumandal sa western power partikular sa Estados Unidos.
Iginiit ng opisyal bagamat lumalabas na negatibo ang imahe ng Palestinians sa harapan ng mundo subalit dapat alamin at uunawain ang pinag-ugatan sa kaguluhan ng dalawang bansa.
Magugunitang nagulantang ang buong mundo nang lumusob ang mga militanteng Hamas at walang habas na inatake ang mga sibilyan kaya tinapatan sila ng ‘Operation Iron Sword’ ng Israeli forces.