-- Advertisements --
image 195

Tiniyak ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na nakatuon ang kanilang bansa sa pangangalaga ng kapakanan ng ating mga kababayang Pilipino sa Israel.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na digmaan sa ilang bahagi ng bansa nang dahil sa paglusob na sinimulan ng Palestinian militant group na Hamas.

Ayon kay Fluss, nakakatanggap ng parehong mekanismo ang mga manggagawang Pilipino sa kanilang bansa na upang tiyakin ang kanilang kaligtasan kagaya ng ibang mga Israeli.

Ito aniya ay batay na rin sa pagtitiyak na ipinaabot sa kaniya ng kanilang Israeli minister of foreign affairs hinggil sa kapakanan ng mga
Pilipino.

Samantala, kaugnay nito ay hinimok naman ng ambassador ang mga Pilipino sa bansa na palaging makipag-ugnayan sa kanilang pamilya at mga kaanak na kasalukuyang nas Israel at naiipit ngayon sa kaguluhan doon.

Habang bukod dito ay mayroon din aniyang pagpipilian ang mga Pilipino sa Israel na bumalik sa Pilipinas kung nakakaramdam ang mga ito ng banta sa kanilang mga kaligtasan.

Kung maalala, una nang sinabi ng Philippine Embassy sa Jordan na nakikipagtulungan na sila sa Israel at Egypt upang matukoy ang mga posibleng exit route mula sa Gaza nang dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong humihiling na marepatriate mula sa nasabing bansa.